Welcome home

Ang sabi nila kapag daw nagbalik ka sa itinuturing mong tahanan pagkatapos ng napakahabang pagkawalay mula rito, malamang sa hindi, matatanto mong wala rin naman ‘tong ipinagbago.

Ang itsura, oo maaaring medyo may ipinagkaiba. Nawala na ang lumang tukador sa may kanto papuntang kusina. May bagong mesa na rin sa may sala. Bago na rin ang pintura, kulay pink. Pero ang amoy — kahit na matagal nang nawala ang babuyan ng lola mo sa may likod-bahay — ganun pa rin naman.

Paghakbang mo pa lang papasok sa may pintuan, nagbabalik lahat ng masasaya pati di gaanong masasayang alaala. Mangingiti ka na lang, yung ngiting tagos sa puso. At ma-re-realize mo wala naman talagang nagbago, ganun pa rin naman ang lahat, maliban sa’yo.

Sigurado ako, ang mga lugar sa labas ng tahanan mo ang siyang nagpabago sa’yo. Hanggang saan ka na ba kasi nakarating? Malayu-layo na rin siguro noh? Nakarating ka na ba sa mga lugar na pinangarap mo lang marating noon? Naranasan mo na ba yung mga bagay na noon ay nasa imahinasyon mo lang, noong nasa kalinga ka pa ng ‘yong tahanan?

Di magtatagal aalis ka na naman, ipagpapatuloy muli ang paglalakbay. Paglalakbay para mahanap ang kapalaran, ang pag-asenso sa buhay, ang ‘yong kasiyahan.

Masaya ang maglakbay, ang pagyakap sa mga pangarap mo. Nguni’t tila wala nang mas sasaya pa sa yakap ng sarili mong tahanan. Dahil kung hindi, bakit ngayon ay gusto mo nang umuwi?

 

(Ang larawang ginamit ay mula rito.)

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s